LUNGSOD NG NAGA (PIA) – Tampok ang Trabaho, Negosyo at kabuhayan (TNK) na mapapakinabangan ng mga mamamayang Bicolano ang ihahandog ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa rehiyong Bicol kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day sa Mayo 1.
Ayon kay Raymond P. Escalante, tagapagsalita ng DOLE Bicol, ang programang tampok sa Araw ng mga Manggagawa ay malaking tulong para sa mga mamamayan na naghahanap ng trabaho at gayun din sa mga nangangailangan ng tulong ng naturang ahensiya.
Sa darating na Mayo 2-3, 2017 gaganapin ang Job at Business Fairs sa SM City Naga na may temang “Matatag na Kabuhayan at Trabaho Tungo Sa Progresibong Pagbabago.”
Halos 30 local firms, 10 overseas at 7 government agencies ang kalahok sa job fairs na ito at inaasahan na sobra sa 2,000 bakanteng trabaho ang iaalok sa mga gustong makinabang sa programang Trabaho, Negosyo at Kabuhayan.
May libreng manicure at pedicure na handog ng Evegate Salon pati na rin ang Health & Wellness massage na isasagawa ng Visually Impaired Voices ng Albay.
Samantala, inihayag ni DOLE Bicol regional director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla na ang halos isang buwan na pagdiriwang ay para magkaroon ng mga seryeng kaganapan dahil hindi sapat ang isang araw na aktibidad para sa pagdiriwang ng Kaarawan ng mga Manggagawa sa Pilipinas.
Ang iba pang aktibidad na isasagawa ay ang ECC Advocacy Seminar na gaganapin bukas sa Macagang Business Center, Nabua, Camarines Sur na lalahukan din ng mga Labor & Management representatives ng mga pribadong kompanya. (DCA-PIA5/Camarines Sur)
Source: Philippine Information Agency (Bicol)
Home Bikol News Breaking News Opinion Nation World  Business  Sports  Entertainment  Weather  Live Stream TV About Us
Trabaho, Negosyo at Kabuhayan handog ng DOLE Bicol
Other News
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment